Monday, December 20, 2010

Ang Organizational Chart


Do Not DISTURB! I'm BLOGGING!

Netbook

Hindi ako manunulat. Estudyante ako ng napatunayan kong tamad talaga ako sa pagsusulat - ng leksyon, sinasabi ng titser, at kahit ano pang iniuutos sa akin para isulat. Nadala ko ito hanggang sa ako ay nagkatrabaho. Simple lang ang katwiran ko, este palusot - mas madali kong natatandaan ang isang bagay gamit ang malinis na tenga sa pakikinig. Naisip ko tuloy, kung uso na ang laptop o netbook sa skul noong nasa elementary pa lamang ako ay malamang ito na ang pinabili ko sa nanay ko. Laking tipid rin 'yun dahil hindi na niya kailangan pang bumili ng mga notebook, papel at lapis sa tuwing nalalapit ang unang araw ng pasukan. Kailangan lang siguro ng maintenance, reformatting at voila - ako na ang magiging pinakasikat sa school. Magiging chick magnet siguro ako. 

WiFi

Ang laki ng naitulong sa akin ng internet. Bukod sa panonood at pag-surf ng porn ay dito ko natutunan halos lahat ng bagay na naging armas ko sa araw-araw na realidad ng buhay. Malaki din ang naging pag-usad nito. Naalala ko dati, bumubili pa ako ng isandaang piso na card na para bang load sa cellphone para maka-"connect" sa world wide web. Hanggang nauso ang mga internet cafe na tila ba pag pumasok ka sa loob ay para kang nakakita ng mga call center agents na nakikipag-usap sa mga Amerikano gamit ang webcam. At sa panahon ngayon, dumating ang 3G, 4G, WiFi, broadband at kung anu-ano pang terminolohiya na wala akong maintindihan. Ang mahalaga ay kahit saan ako magpunta, may source ako para makapasok sa kabilang mundo - ang mundo na kumanlong sa akin sa oras na wala akong masasandalan.

Ideya

Hindi ako manunulat. Hindi ito isang propesyon. Matagal na panahon na rin ng naisipan kong balakin ang magkaroon ng blog. Nasimulan ko ito hanggang sa inatake na naman ako ng sakit ko - katamaran. Walang naging bunga pero sa loob ng mga panahon na nagsulat ako, nagbigay ng opinyon, nag-paskil ng mga litrato, nangahas, tumutol at nakialam sa takbo ng lipunan ay naipakita ko na may silbi ang ideya ko - hindi dahil sa may nakinig ngunit dahil sa naibahagi ko ito sa buong mundo. Simple. 

Baon ang isang tasa ng kape, isang tabla na may mga nakahulmang titik, Wifi at libu-libong ideya na dinadalangin na hindi kumupas ay sisimulan ko ang panibago kong proyekto sa blog na ito - ang instantsiomai. Simple, moderno at minsan ay nagpapaka-deep. 

No comments:

Post a Comment