Monday, December 20, 2010

Ang Alamat ng Deliverables

Gising ng maaga. Kulang sa tulog. Ligo. Posturang-postura. Traffic sa Ayala. Pasok sa opisina. Kain. Bukas ng PC. Sandamakmak na email. Demanding na boss. English dito, English doon. PLASTIK. Sandamukal na deliverables. Stress na sa trabaho, stressed pa sa babae. BREAK. Baba ng elevator. Bili ng kape. Hithit ng yosi. Hingi ng kendi. Sakay ulit ng elevator. Nakasabay si magandang babae… pagtingin sa daliri, may singsing na suot. TOINKS. Bukas ang elevator. Pasok ulit sa trabaho. Bukas ng PC. Bukas ng email. REPLY. DELETE. Deliverable. Deliverables. Deliverables. Umiikot ang buhay sa deliverables. Tapos na ang siyam na oras, may overtime pa na kasama. Deliverables. Deliverables. Deliverables.
                
Ang buhay ko bilang isang callboy – hindi ganun kadali. Hindi naging madali ang umpisa, ang pagbagsak, pagbangon, muling pag-uumpisa, ang tinamasang tagumpay, ang pilit na pag-uumpisa, ang pilit na pinapabagsak – lahat, walang naging madali. Dalawang taon, isang industriya.
                
Isang malaking kwento. Isang mahabang paglalakbay. Trabaho. Gimik. Inom. Babae. Pag-ibig. Isandaang interview. Isang-libong bio-data. Sistemang bulok. Sistemang pilit itinutuwid. Mundo ng kasiyahan, kahirapan, ligaya at pag-abot sa tagumpay. Kwento ng kabiguan, pagbangon, pagkakamali at muling pagbangon.
                
Libo-libong pangyayari. Isang kwento. Ito ang umpisa.

No comments:

Post a Comment