Wednesday, February 23, 2011

HONDA-DOT

10PM ang shift ko nitong nakaraang dalawang linggo.. Kung may malaking pagbabago man sa trabaho ko, iyon ay hindi ko na kailangang maging "honda" (on the dot ibig sabihin para sa mga nagttrabaho sa call center). Madalas ay pumapasok na ako ngayon na relaxed at hindi na kailangan ng mahabang paliwanagan kapag late sa trabaho. Pero minsan lang ako late sa trabaho. Siyempre, kailangan ko na maging good example. 

Minsan nagising ako ng sobrang late. Nasobrahan yata ako sa tulog. Malapit lang ang tinutuluyan ko sa opisina - yun ay kung magtataxi ako, na nangangahulugan na dapat may pera ako, na malaking dagok sa budget ko every time na lalabas na ang sweldo. Minsan, ginawang feature article ng FHM ang lifestyle ng mga taong nagtratrabaho sa call center. Pahayag ng mga taxi driver na mapapansin mo daw na taga call center ang pasahero kapag sakto ang bayad na iniabot sa taxi driver. Madalas ay ganun din ang ginagawa ko at marami din akong kilala na kahit wala na ngang pera ay nagtataxi pa din araw-araw. Siguro ganun nga ang realidad ng buhay. Kaya ngayong nagtaas ng singil ang mga taxi, iniisip ko kung gaano kalaki ang epekto nito sa mga call center employees.

Sa mga ordinaryong araw naman ay mas ginugusto ko na kasama ang paglalakad sa pagpasok ko sa trabaho. Wala akong masyadong exercise sa buhay kaya sinanay ko na ang sarili ko sa mga mahabang lakaran. Bitbit ang iPod, lagay ang earphone sa tenga, tali ng sintas sa pinakamahigpit na porma - handa na at simula na ng araw ko. Marami akong nakakasalubong na tao. Hilig ko ang mag sight seeing ng magaganda sa paningin. babae ang ibig kong sabihin. Ang iba sa kanila, posturang postura na tila ba nagbebenta ng encyclopedia. Ang iba naman ay takaw-tingin. Sila yung mga tipong stunner pero dadaan lang talaga - dahil nagkalat din naman ang mga tulad nila. Maraming uri sila pero wala talaga akong paborito. Simple lang kasi ang prinsipyo ko sa mga bagay na ganyan. 

RULE # 1: Lunurin mo na sa titig at wag kang maghangad ng higit pa dun... baka madisappoint ka lang.
RULE # 2: Kung balak mo na baliin ang Rule # 1, humanda ka na.

Pagdating sa opisina, bukas ng PC, magbabasa ng email, magdadasal na sana maganda ang number na lumabas sa nakaraang araw, hanapin ang kinauupuan ni manager at mag-pretend na busy ka at maghanap sa station ng crush ko na ahente kung saan siya nakaupo sa araw na yun.Kumpleto na ang araw ko...at yan ang kadugtong ng kwento ko. 

No comments:

Post a Comment